Mayroong isang error sa gadget na ito.

Lunes, Setyembre 16, 2013

"PERA AY 'WAG SAYANGIN, LAST RIDE BONUS NG SV GAMITIN NATIN"



"PERA AY 'WAG SAYANGIN, LAST RIDE BONUS NG SV GAMITIN NATIN"

Nabasa mo na ba ang mga katagang yan???
Kung hindi pa marahil hindi ka isa sa amin!

Sa isang Linggo sa isang buwan may pitong araw, at sa pitong araw na ito
anim dito masasabi kong kadalasang napakasaklap na karanasan mapaumaga man o gabi, umaraw man o umulan!

Ang mga tulad naming mga payak na may simpleng pamumuhay umaasa sa isang mabilisang paraan.
Isa na dito ang pag gamit ng isang transportasyon! Wala kaming de apat na gulong o di kaya lumilipad na dalawang gulong at meron pa ung nauuso ngaung rechargable bike (e-bike ang kulit! hehehe) wala kami ng mga yan..... kaya umaasa kami sa pampublikong sasakyan. Ito lang ang isang paraan para sa mabilisang pagpunta sa opisina o sa lugar na gusto mo pero dapat abot ng kanilang serbisyo. Anu pa nga ba LRT/MRT ang tinutukoy ko!

Sa umagang pagsakay sa LRT grabe ang tao daig pa ang pila ng relief goods o di kaya ang pila ng ticket sa Cuneta Astrodome sa may Pasay. Papasok ka ng nakaplantsa ang uniform, naligo sa isang boteng pabango, nagtoothbrush ng air freshener at hindi mawawala ang mahal mung ear phone.

Heto na ang napakahabang pila.... naghihintay sa pagkakataong makapasok sa tarangkahan ng LRT.
Entrance pa lang yan!.... Pila ulit para sa pag swipe ng LRT card! Ilang minutong maghihintay ulit para sa pag dating ng tren... Kabanas noh! pero salamat sa earphone mo.. di mo pa pansin ang oras! Pero pansin mu ba na ear phone na lang gamit mo kala mo nagpapatugtog ka pa ng napakahabang intro.... ayun nmn pala nadukutan ka na pala ng di mo pa namamalayan... ang saklap nga naman oh... Siempre wla ka nang magagawa kc papasok ka na ng tren tulukan at balyahan ang eksena.... kung tatanga tanga ka sigurado limas ang laman ng bag mo... o di kaya laslas na ang bulsa mo..o di nman kaya mahipuan ka na ng mga manyakis .... ang lufet.... tsk tsk tsk.....

Isama pa ang nakaupo na tumatayo para lang paupuin ang  matanda, may dalang bata, buntis o may kapansanan man bihira na ngaun nangyayari ang eksenang ito... grabe magkukunwaring tulog o di kaya busy sa kakaText or sadyang DEADMA lang first time makaupo??! hehee... matuluyan sana... PEACE! (siempre di ako kasama sa mga taong ganun..) .. PERO PERO PERO... talagang may pero! pag ka ang nakatayo ay kita kaluluwa o di kaya parang marian rivera ang postura... kahit may dalang pang balyena yan.. tatayo at tatayo yan mapaupo lang ang mala dyosang nasa harapan... oh.. sabihin mung di mo pa naexperience yan... tsk tsk tsk...

At anung nangyari sa pinaligo mong isang boteng pabango wala na din nasinghot na lahat ng tao sa tren dahil sa sobrang siksikan no choice kahit pa amoy sampaguita ka pa pagpasok cgurado pag labas mu para kang kampupot. At ang Uniform mo ni ultimong sinulid na tuwid sa pagkakaplantsa mo ay parang gula gulanit na basahan na. Hay buhay commuters nga nmn talga.

Pero teka di laging ganyan ang eksensa sa tren... once in a blue moon mang mangyari pero atleast nakakaranas ka din ng kaginhawaan...un ay  kapag may SKIP TRAIN na hihinto... at paminsan minsan ASA KA.. SKIP TRAIN nga... as in SKIP... di hihinto.... saklap noh? natry mo na bang sumakay? try mo minsan... sakay na!

Pero ayon nga sa nasasaad sa likot ng iyong magnetic ticket... sa halagang isang daang piso...


"PERA AY 'WAG SAYANGIN, LAST RIDE BONUS NG SV GAMITIN NATIN"

tipid din pag may time...dahil ang isang daang piso mo kung sa UN Station ka baba at galing ka ng 5th ave (dyan kc ako nababa at nasakay..)... 14 pesos lang ang mababawas... cguradong may walong sakay ka na... kaya nga wag sayangin ang pera.. gamitin ang bonus na SV o Stored Value...

Subukan mo... tuklasin ang nababalot na hiwaga sa loob ng LRT/MRT!
Nananakot lang hehehe...  kaya ingatan ang iyong mga mahahalagang gamit tulad ng magnetic card, cellphone at wallet. Huwag sandalan ang magkabilang pintuan., panatilihing nakahawak sa mga safety hand drills. - Babala ng LRTA!

Ayun lang... saya sumakay noh...
Salamat muli sa pagbasa ng nakakaumay kong lathala...

Adios!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento